- Home
- Lipunan
- Imigrasyon
[Ulat] Petisyon sa regularisasyon ng undocumented sa Canada ipinarating sa gobyerno
Regularisasyon sigaw ng alyansa ng grupong migrante para sa mga undocumented sa bansa
Isinumite ng grupo na nagsusulong sa kapakanan ng mga taong undocumented ang isang petisyon sa tanggapan ng mga ministro ng gabinete na may halos 40,000 na pirma mula sa mga sumusuporta.
Inihabol ng grupo na maiparating ang petisyon para sa hinihingi na permanent resident status para sa lahat ng undocumented sa buong bansa.
We are delivering nearly 40,000 petitions to over 25 ministers across the country this week. And we are doing this to show that we are getting so much incredible support for regularization and migrant rights,
sabi ni Syed Hussan, Executive Director ng Migrant Workers Allliance for Change (MWAC), sa panayam ng Radio Canada International.
Kaugnay na ulat
Nag-ingay ang grupo sa harap ng tanggapan ni Deputy Prime Minister Chrystia Freeland sa Toronto, Ont., para iparating ang matagal na nilang ipinanawagan.
We are calling for a comprehensive and inclusive regularization program which basically means all undocumented people get permanent resident status with no exclusion. So it should be everyone, no caps, it should be PR and it should be now.
Hawak ng mga sumama sa tangkang paghatid ng petisyon ang signs na ‘Let's get it done!’ para iparating ang kanilang panawagan.
Right now organizations of migrant rights are writing hundreds of letters. The mayor of Montreal and Toronto has spoken up, nearly 40,000 people are speaking up and that's because everyone knows the right thing to do is permanent status for all. We will show Prime Minister [Justin] Trudeau that there is massive support for regularization and status for all,
ani Hassan.
Sumama sa pagkilos si Monieya Jess, isang Jamaican, na dumating sa Canada bilang farm worker noong 2021. Pero kuwento ni Jess nagkaproblema siya sa kanyang immigration status nang mapilitan siyang umalis sa kanyang dating employer sa Nova Scotia dahil tinanggihan siya na makapagpagamot nang magkasakit.
If I get regularization that means I can come out from the shadow. Because I've been hiding, I can't get access to health care. I can't see my family and not able to provide as I would need because jobwise you need a PR for you to get a suitable job,
sabi ni Jess.
Tahimik naman habang ipinakita ni Rona, hindi tunay na pangalan at isang undocumented na Pilipino, ang kanyang suporta sa panawagan habang hawak-hawak ang kahon na may nakaimprenta na bilang ng mga pumirma at sumuporta sa petisyon.
Umalis ng Pilipinas si alyas Rona noong 2009 para makipagsapalaran sa Canada. Naglakas-loob siya na magpunta sa bansa hawak ang visitors visa. Kumapit siya sa pag-asa na makakuha ng work permit at maayos na makapagtrabaho na ipinangako aniya sa kanya ng isang nagmamay-ari ng agency noon.
Nung nasa Pilipinas pa ako may nangako sa akin, isang Pilipino na may sariling agency sa Calgary, inalok niya ako ng trabaho para sa isang hotel sa Toronto,
sabi ni Rona. Pero hindi ito natuloy. Sinabihan niya ako na hindi na niya ako matutulungan,
dagdag niya.
Patago na nagtrabaho bilang nanny at napalipat-lipat si Rona magmula noon. Habang ginagampanan ang trabaho sa mas mababang pasahod ay tinangka niya na lumapit sa immigration consultant para matulungan na ligal na magtrabaho pero bigo siya na makakuha ng work permit.
Ang maliit na kinikita ay kanyang pinagkasya para ituloy at huwag sumuko sa kanyang Canadian dream habang sinusuportahan naman ang pamilya sa Pilipinas.
Magmula noong umpisa hanggang ngayon, marami na akong nakasalamuha na tao, marami ang mababait, pero hindi 'yong mabubuti talaga, dahil na rin wala akong status kaya trabaho lang para makatulong din sa pamilya ko sa Pilipinas ... kahit pa sa mahabang oras,
sabi niya.
Kaugnay na ulat
Ayon sa
MWAC, karamihan sa mga undocumented sa bansa ay mga racialized, mababa ang sahod at mga babae. Marami anila ang matagal ng naninirahan sa bansa na walang benepisyo, hindi nakakakuha ng social services at walang proteksyon. Nagreresulta aniya ito sa kondisyon ng trabaho na mapang-abuso. Giit ng grupo na regularisasyon sa undocumented ang kailangan para sila ay makakuha ng permanent resident status at matigil ang isang mapagsamantala na sistema.