1. Home
  2. Pandaigdig
  3. International Politics

Umiwas ang Canada sa pagboto pabor sa pagiging miyembro ng Palestine sa UN

Sinabi ng Global Affairs Canada na ito ay committed sa isang two-state solution

Isang lalaki nagsasalita sa UN assembly.

Palestinian ambassador sa UN, Riyad Mansour nagsasalita sa mga kinatawan ng mga miyembrong estado ng organisasyon bago ang botohan, Mayo 10, 2024.

Litrato: Getty Images / AFP/CHARLY TRIBALLEAU

RCI

Ang UN General Assembly bumoto na may malawak na margin ngayong Biyernes para magbigay ng mga bagong “karapatan at pribilehiyo” bilang suporta sa pagiging estado ng Palestine at nanawagan sa Security Council na paboran ang pagre-reconsider sa request nito na maging ika-194 na miyembro ng United Nations.

Ang Canada ay umiwas mula sa pagboto. Sa isang pahayag, sinabi ng Global Affairs Canada na ginawa ito ng bansa dahil pabor ito sa isang two-state solution — isang Palestinian state sa okupadaong West Bank at sa Gaza kasama ang Israel.

It is clear we must urgently build a credible path to achieving the two-state solution, one that gives hope to both Palestinians and Israelis that they may live side by side in peace, security and dignity, ayon sa pahayag. "That process cannot indefinitely delay the creation of a Palestinian state.

Canada is prepared to recognize the state of Palestine at the time most conducive to lasting peace, not necessarily as the last step along that path.

Ang panibagong pagtulak upang maging ganap na miyembro ang Palestine sa UN ay dumating habang ang digmaan sa Gaza ay inilagay sa centre stage ang 75-anyos na hidwaan sa pagitan ng Israel at Palestine. Sa maraming pagpupulong ng konseho at assembly, ang humanitarian crisis na hinaharap ng Palestinians sa Gaza at ang pagpatay sa mahigit 34,900 katao sa teritoryo, ayon sa Gaza health officials, ay nagbunsod ng galit mula sa marami na miyembrong bansa.

Isang artikulo ng The Associated Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

May kasamang files mila sa CBC News

Mga Ulo ng Balita