1. Home
  2. Lipunan
  3. Pandaraya

Mga kaso ng panloloko tumataas, ayon sa pulisya ng Quebec

Hinihikayat ng pulisya ang mga biktima na i-report ang mga kaso ng panloloko

Nakasulat ang salita na scam sa isang key ng computer keyboard.

Ang pulisya sa Quebec hinihikayat ang mga biktima na i-report ang mga kaso ng panloloko.

Litrato: CBC

RCI

Ang mga kaso ng panloloko ay tumataas sa Quebec.

Sinabi ng Association of Quebec Police Chiefs (ADPQ) ngayong Miyerkules na halos 37,000 Quebecers ang nag-report na sila ay nahulog sa isang mapanlinlang na pakana, tumaas ito ng 15 porsyento mula 2021.

Nais naming isapubliko ang datos na ito upang igiit ang importansya ng transparency at awareness sa harap ng lumalaking problema na ito, ani Didier Deramond, ang director-general ng Association of Quebec Police Chiefs, sa isang press conference kaninang umaga.

Ang pinakakaraniwang panloloko na bumibitag sa Quebecers ay may kinalaman sa credit cards, computers at identity theft, kasama rito ang grandparent scams at romance scams.

Naranasan ng rehiyon ng Mauricie ang pinakamataas na increase sa fraud cases, 64 porsyento sa loob ng dalawang taon, ayon sa Association of Quebec Police Chiefs, habang ang Montreal patuloy na nakararanas ng pinakamalaking bilang ng mga pandaraya.

Ngunit sinabi ng pulisya na may kakulangan sa buong larawan ng problema dahil maraming biktima ang hindi nire-report ang fraud.

Kumbinsido kami na ang aming mga pulis na nag-iimbestiga sa fraud with professionalism ay maaaring gumawa ng pagkakaiba, kaya ngayong araw na ito hinihikayat namin ang lahat ng Quebecers na i-report ang lahat ng insidente ng panloloko, ani Patrick Bélanger, ang Longueuil police chief.

Hinihikayat ng pulisya ang lahat ng biktima na i-report at maging mapagmatyag laban sa mga karaniwang aktibidad ng pandaraya. Ang Canadian Anti-Fraud Centre (bagong window) naglathala ng mga report tungkol sa scam at fraud behaviour kamakailan.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita