1. Home
  2. Politika
  3. Mga Politikal na Krisis

Pro-Palestinian na protesta sa kampus ng McGill lumaki sa ikatlong araw

Ang mga nagpoprotesta ay gumagamit daw ng 'antisemitic language at intimidating behaviour'

Mga student protesters sa kampus.

Isang pro-Palestinian protest ang nagaganap sa McGill University sa Quebec mula pa noong Sabado.

Litrato: Hunger Strike for Palestine

RCI

Sinabi ng mga opisyal ng unibersidad na ang bilang ng mga tent sa pro-Palestinian encampment sa downtown campus ng McGill University ay trumiple mula noong Sabado.

Nagtayo ang mga demonstrador sa Montreal ng humigit-kumulang 20 tent noong Sabado ng hapon na may intensyon na manatili sa lower field ng McGill University indefinitely. Sumali sila sa isang wave ng mga pro-Palestinian na demonstrasyon sa mga kampus sa buong Estados Unidos na nais makita ang mga unibersidad na umalis mula sa mga kompanya na may business ties sa Israel.

Sa isang pahayag na inilathala ngayong Lunes, sinabi ng media relations office ng unibersidad na ang sitwasyon ukol sa mga nagpoprotesta sa kampus ay nag-shift significantly.

Kami ay naging aware na marami sa kanila, if not ang karamihan, ay hindi miyembro ng komunidad ng McGill, ayon sa pahayag.

Sinabi rin ng mga opisyal ng unibersidad na nakakita sila ng ebidensya sa bidyo na ang ilang tao ay walang pag-aalinlangan na gumagamit ng antisemitic language at nakakatakot na behaviour sa kampus.

PANOORIN | Ang latest mula sa McGill campus habang pumasok sa ikatlong araw ang protesta:

Kinokondena namin ito sa strongest possible terms at mabilis na kikilos upang mag-imbestiga, pahayag ng mga opisyal ng unibersidad.

Sinabi ni Sasha Robson, isang miyembro ng Independent Jewish Voices McGill na nasa kampo Lunes, sa CBC News na wala namang mga report ng issues magdamag.

Sinabi ni Zeca Eufemia, na isang estudyante sa McGill at teaching assistant na kabilang sa mga demonstrador, na ang kampo ay, talagang, trumiple ang laki, na naaayon sa pahayag ng unibersidad.

May mga tao na pumupunta mula sa komunidad, aniya. Ang mga alegasyon na ito ng antisemitism, nandito ako mula pa noong Sabado, wala akong nakitang ganyan.

Ani Eufemia ang mga supporter mula sa ibang unibersidad ay pumunta sa kampo sa McGill. Aniya siya ay nagpoprotesta upang tiyakin na ang pera mula sa tuition na kanyang ibinabayad ay hindi mapupunta sa mga kompanya na maaaring gumawa ng mga armas na gagamitin sa Gaza.

"Nais namin iparinig ang aming mga boses," aniya sa CBC.

Ang mga nagpoprotesta ay naglathala ng isang listahan ng investments na laban sila, kasama ang humigit-kumulang $20 milyon na investments na sinasabi ng McGill ay mayroon ito sa ilang kompanya, kasama ang Lockheed Martin, isang aerospace company na gumagawa ng mga armas na ginagamit ng Israeli military.

Inilathala ng McGill ang listahan ng kanilang investments online, ipinakita ang endowment na mahigit $1 bilyon na naka-invest sa iba’t ibang securities.

Noong buong weekend, sinabi ng media relations office ng McGill University na ang protesta ay naging mapayapa. Noong Sabado, sinabi ng mga opisyal na inutusan ng university security staff ang mga demonstrador na alisin ang kanilang mga tent, ngunit sila ay tumanggi.

Lunes ng umaga, ang Montreal chapter ng Palestinian Youth Movement ay nanawagan sa Instagram para pumunta ang mga supporter sa kampo.

Sinabi ng grupo sa Instagram post na ang presensya ng mga pulis ay lumalaki sa kampus at humingi ng suporta upang tulungan ang mga estudyante na protektahan ang kampo.

Bahagi ng artikulo ni Matthew Lapierre (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita