1. Home
  2. Lipunan
  3. Mga Krimen at Mga Sala

Pulis may mga inaresto kaugnay ng pagpatay kay B.C. Sikh activist Hardeep Singh Nijjar

Ang imbestigasyon na inabot ng buwan ukol sa pagpatay tiningnan din ang links sa ibang mga kaso

Litrato ni Hardeep Singh Nijjar.

Hardeep Singh Nijjar (photo archives)

Litrato: La Presse canadienne / Ethan Cairns

RCI

Ang pulis Canada inaresto ang ilang miyembro ng alleged hit squad na pinaniniwalaan ng mga imbestigador na inutusan ng gobyerno ng India na patayin ang prominenteng Sikh separatist na si Hardeep Singh Nijjar sa Surrey, B.C. noong huling Hunyo, napag-alaman ng CBC News.

Sinabi rin ng mga source na malapit sa imbestigasyon sa CBC News na ang pulisya ay aktibong iniimbestigahan ang posibleng links sa tatlo pang pagpatay sa Canada, kasama ang pamamaril sa isang 11-anyos na lalaki sa Edmonton.

Ang mga miyembro ng hit squad ay diumano nagkaroon ng iba’t ibang papel bilang shooters, drivers at spotters sa araw ng pagpatay kay Nijjar sa Guru Nanak Sikh Gurdwara sa Surrey, ayon sa sources.

Ang mga lalaki ay inaresto ngayong Biyernes sa operasyon ng pulisya sa dalawang probinsya. Sinabi ng sources na na-identify ng mga imbestigador ang alleged hit squad members sa Canada ilang buwan na ang nakaraan at sila ay sumailalim sa mahigpit na surveillance.

Inaasahan na mag-aanunsyo ang pulisya tungkol sa mga pag-aresto at magbabahagi ng ilang detalye ng kanilang imbestigasyon ngayong Biyernes.

Nalaman ng CBC News ang mga pag-aresto — gayundin ang iba pang impormasyon na maaaring hindi ianunsyo ng pulis ngayong Biyernes — sa pamamagitan ng mahahabang diskusyon sa senior investigative at government sources, gayundin sa mga miyembro ng Sikh community.

Nakipag-usap ang investigative at government sources sa CBC News sa kondisyon na hindi sila pangalanan dahil sa pagiging sensitibo ng bagay na ito. Ang sources sa Sikh community ay nagpahayag ng concerns tungkol sa kanilang personal na seguridad, kaya hindi ilalabas ng CBC News ang kanilang pagkakakilanlan.

Si Nijjar, isang 45-anyos na Canadian citizen, ay binaril noong Hunyo 18, pagkatapos ng evening prayers sa Guru Nanak Sikh Gurdwara sa Surrey, B.C., sa isang tila highly coordinated attack, ayon sa bidyo ng insidente na nakuha ng The Fifth Estate ng CBC.

Noong huling Agosto, sinabi ng mga opisyal ng Canada sa mga kinatawan ni Indian Prime Minister Narendra Modi in person na ang Canada ay may intelligence kaugnay ng pagpatay kay Nijjar.

Pagkatapos ng isang buwan, tumayo si Prime Minister Justin Trudeau sa House of Commons upang sabihin na ang Canadian security agencies have been actively pursuing credible allegations of a potential link between agents of the government of India sa pagpatay kay Nijjar.

Any involvement of a foreign government in the killing of a Canadian citizen on Canadian soil is an unacceptable violation of our sovereignty, dagdag pa niya.

Itinanggi ng gobyerno ni Modi na inutos nito ang extrajudicial killings sa U.S. at Canada.

Basahin ang buong istorya rito. (bagong window)

Bahagi ng artikulo ni Evan Dyer (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita