1. Home
  2. Lipunan

Pamilya ng Pilipina na natagpuang patay sa sahig ng ER nagdemanda para sa $1M

Ayon sa lawsuit, si Candida Macarine ay ‘lubos na pinabayaan’ noong gabi na siya ay namatay

Isang lalaki at babae na Pilipino sa loob ng bahay.

Gilda at Emmanuel Macarine, nasa litrato na ito, kasama ang kanilang mga kapatid ipinaglalaban ang makakuha ng mga kasagutan tungkol sa pagkamatay ng kanilang ina.

Litrato: CBC / Paula Dayan-Perez

RCI

Ang pamilya ni Candida Macarine, isang 86-anyos na babae na natagpuang patay sa sahig ng isang kuwarto sa ER ng Lakeshore General Hospital noong 2021, ay idinemanda ang ahensya na nangangasiwa sa pangangalaga sa kalusugan sa West island ng Montreal para sa $1 milyon.

Ang lawsuit pinangalanan din ang ER doctor at nurse sa Lakeshore bilang defendants.

The medical services and care provided to the plaintiffs' mother throughout her stay at the hospital's ER were wholly inadequate, causing crucial, cumulative incidents that led to the avoidable death, ayon sa lawsuit na isinampa noong nakaraang linggo.

Pagkatapos ng pagkamatay, sinabi lamang ng staff ng ospital sa pamilya ni Macarine na siya ay namatay dahil sa cardiac arrest. Hindi sinabi ng ospital sa pamilya na si Macarine ay natagpuang patay sa sahig ng isang isolation room sa ER na sinabi na sa managers ay magiging problematic.

Noong gabi bago ang kanyang libing, nakita ng mga anak ni Macarine ang isang istorya sa CBC News tungkol sa hindi pinangalanang pasyente na namatay sa kuwarto na iyon. Mabilis nilang napagtanto na ang istorya ay tungkol sa kanilang ina.

Si Candida Macarine kasama ang batang babae at lalaki.Palakihin ang larawan (bagong window)

Si Candida Macarine, kasama ang isa sa 17 apo at ang kanyang unang apo sa tuhod, ang matriarch ng isang malaking Filipino family sa Montreal.

Litrato: Emmanuel Macarine

Staff at the hospital purposely and voluntarily concealed critical information from the family, sinabi sa lawsuit.

As such, the defendant's staff wrongfully and negligently failed to inform the plaintiffs about pertinent facts leading to their mother's death. ayon sa lawsuit.

Nag-isyu ang health agency — ang Centre intégré universitaire de santé et de services sociaux (CIUSSS) de l'Ouest-de-l'Île-de-Montréal — ng pahayag isang buwan pagkatapos ng pagkamatay at humingi ng tawad sa tinatawag nitong hindi kumpletong komunikasyon sa pamilya.

Lawsuit sinabi na may ilang pagkakamali sa pangangalaga

Si Macarine ay namatay ilang oras pagkatapos ma-admit sa ospital dahil sa respiratory distress noong Pebrero 2021.

Siya ay natagpuang patay sa sahig katabi ng kanyang kama sa isa sa tatlong negative-pressure rooms sa ER na ginagamit noong panahon na iyon para sa suspected COVID-19 patients.

Maraming beses na nagbabala ang mga nurse sa mga manager bago namatay si Macarine na hindi direktang nakikita ang mga silid na iyon, kaya magiging mahirap bantayan ang mga pasyente na nandoon.

Ang pamilya ay lumalaban upang makakuha ng mas malinaw na kasagutan mula noon. Itinulak nila na magkaroon ng imbestigasyon ang coroner, ngunit sa bandang huli ay napagtanto na may kakulangan sa mga resulta. Pagkatapos tumanggi ang coroner na muling buksan ang imbestigasyon, humingi sila ng kumpletong medical file ng kanilang ina, at ginamit ito at ang report ng coroner upang itaguyod ang kanilang kaso.

Ang lawsuit ay may ilang alegasyon tungkol sa mga pagkakamali sa pangangalaga kay Macarine sa loob ng kanyang maikling pamamalagi sa Lakeshore sa araw na siya’y namatay, kasama rito ang:

  • Pagkabigo na itsek siya kada 15 minuto na required batay sa kanyang initial diagnosis.

  • Pagkabigo na sapat na tugunan ang dalawang kritikal na test result, troponin at blood gas, na natanggap nang mas maaga nang siya'y na-admit na dapat ay naging red flags upang ipadala siya kaagad sa ICU.

  • Pagkabigo ng mga nurse sa nursing station na mapansin o mag-react sa audio at visual alarms na dapat ay inalerto na sila sa lumalalang kalagayan ni Macarine.

  • Ang contradictory notes mula sa staff na nagtatrabaho ng gabing iyon ukol sa eksaktong oras na inilunsad ang code blue at kung kailan natagpuang patay si Macarine, umusbong ang mga katanungan kung ang staff ay mabagal sa pagsisimula ng CPR.

Ang lawsuit ay humihingi ng kabuuan na $1 milyon: $100,000 para sa bawat buhay na anak (walo lahat) ni Macarine at $100,000 para sa bawat pamilya ng dalawang anak ni Macarine na yumao na.

Ang pamilya Macarine ay magsasagawa ng isang news conference kasama ang Center for Research-Action on Race Relations sa Mayo 9 upang magsalita tungkol sa lawsuit.

Basahin ang buong istorya rito. (bagong window)

Bahagi ng artikulo ni Steve Rukavina (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita