1. Home
  2. Politika
  3. Pederal na Politika

Poilievre ipinahiwatig na gagamitin ang notwithstanding clause para baguhin ang batas

Sinabi niya ito sa Canadian Police Association noong Lunes

Pierre Poilievre sa House of Commons.

Federal Conservative Leader Pierre Poilievre (archives)

Litrato: La Presse canadienne / Sean Kilpatrick

RCI

Sinabi ni Conservative Leader Pierre Poilievre na gagamitin niya “ang anumang tools na pinahihintulutan ng konstitusyon” para ipasa ang criminal justice laws kung ang kanyang partido ang bubuo ng susunod na gobyerno.

Kausap ang Canadian Police Association noong Lunes, nangako si Poilievre na magpapatupad ng mas mahigpit na requirements para sa piyansa at gagawing mas mahirap para sa mga nahatulang mamamatay-tao na ilipat palabas ng maximum security prisons.

Lahat ng aking mga proposal ay naaayon sa konstitusyon, ani Poilievre.

Gagawin natin itong konstitusyonal gamit ang anumang tools na pahihintulutan ako ng konstitusyon na gamitin upang gawin itong konstitusyonal. Sa palagay ko alam niyo ang eksaktong ibig kong sabihin.

Hindi tahasang sinabi ni Poilievre kung ano’ng mga tool ang kanyang tinutukoy at ang kanyang opisina ay hindi nagbigay ng opisyal na komento nang tanungin para sa klaripikasyon.

Dati, sinabi ng Tory leader na gagamitin niya ang notwithstanding clause para baliktarin ang 2022 Supreme Court decision na tinanggal ang batas na nagbibigay sa mga hukom ng discretion upang magbaba ng magkakasunod na 25-year blocks ng parole ineligibility kung ang nagkasala ay nag-commit ng multiple first-degree murders.

Basahin ang iba pang detalye tungkol sa mga komento ni Poilievre at sa notwithstanding clause dito (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita