1. Home
  2. Ekonomiya
  3. Economic Indicators

Inflation rate ng Canada bumaba sa 2.7% noong Abril

Sa gitna ng pagbagal ng paglago ng presyo sa buong ekonomiya

Mga babae na namimili ng mga prutas sa loob ng grocery store.

Sinabi ng consumer price index report ng Statistics Canada na ang pagbagal ay pinangunahan ng presyo ng mga pagkain (archives).

Litrato: CBC / Cole Burston

RCI

Sinabi ng Statistics Canada na ang annual inflation rate ay bumaba sa 2.7 porsyento noong Abril sa gitna ng malawakang pagbagal ng bilis ng paglago ng presyo.

Ito ay bumaba mula sa 2.9 porsyento noong Marso.

Sinabi ng consumer price index report ng ahensya na ang pagbagal ay pinangunahan ng presyo ng mga pagkain, mga serbisyo at durable goods.

Samantala, ang mas mataas na presyo ng gasolina ay minoderate ang deceleration.

Ang core measures ng Bank of Canada sa inflation, na tinatanggal ang volatile na mga presyo, ay bumagal din noong nakaraang buwan.

Ang rate ng inflation ngayong araw ay inaasahan na magkakaroon ng malaking papel sa desisyon ng central bank tungkol sa interest rate para sa Hunyo 5.

Kaugnay na ulat

Isang artikulo ng The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita